once.in.a.while


NAGKITA kami ni Pareng Jimmy sa Shoprite.

“Kumusta na, Pare,” bati ko sa kaniya, “Heto, nag-sa-shopping kami ni Misses para sa mga pasalubong dahil uuwi kami sa isang buwan sa Pilipinas.”

“Wow, that’s good. Sana mag-enjoy kayo doon,” patuloy ko.

“Ay naku, Pare, ngayon pa lamang ay na-iistressed na kami. Kung maaari lamang ay gusto kong kanselahin.”

“Sus, at bakit naman?” tanong ko ulit.

“Halika, Pare, upo tayo doon sa cafeteria para mag-kuwentuhan tayo nang maiigi,” sabay akay sa akin sa pag-upo sa silya matapos mag-order ng coffee.

“Seguro naman, Pare, nababasa mo sa diyaryo ang mga nangyayaring katiwalian doon sa airport customs, iyon bang mga nagnanakaw ng mga laman ng maleta, balikbayan boxes at kung anu-ano pa.”

Ako ang sumagot.

“Oo nga, Pare, nakakahiya talaga at nakakapang-gigil.”

Dugtong ko pa, “Seguro huwag na kayong mag-pasalubong, pera na lang ang ibigay ninyo.”

“Pero, hindi puwede kay Mare mo,” ang gusto niya may balikbayan box na, tapos, may pera pang abot.”

“Ang bait ninyong mag-asawa. Tiyak na mahal namahal kayo ng mga kamag-anak ninyo doon.”

“Iyon nga ang masakit, Pare, kami pa ang masama.”

“Paano nangyari iyon?” tanong ko.

Higop muna siya ng kape bago sumagot.

“Kasi hindi lahat ng sumalubong doonsa bahay namin ay mabibigyan mo. Iyong iba na huling dumating ay naubusan na.”

“Mayroong nagtatampo. Mayroong nagagalit. Maraming drama,” patuloy niya.

Ako naman ang nag-kuwento.

“Alam mo minsang dumalaw dito ang isang kamag-anak namin na ihinatidko sa JFK Airport.

“Kuya,” sabi niya sa akin at itinuro iyong mga nakalatag sa floor na mga kaldero, damit, coffee, corned beef, etc.

“Mayroon din palang yard sale dito sa airport.

“Hindi iyan yard sale. Mga overweight na balikbayan boxes at binabawasan ng mga pasalubong para tugma sa timbang bago i-check-in.”

“At mabanggit ko naman sa iyo, iyong kuwento noong isang kaibigan ko na may kaibigan naming stewardess na Pilipina. Itong stewardess na ito ay may asawa namang Canadian citizen. Sa airport din nagta-trabaho at doon siya sa Ticketing Counter.

“Tuwing uuwi daw sa bahay iyong Canadian, palaging idina-daing ang masakit na braso. Kasi daw sakabubuhat niya ng mga balibayan boxes doon sa conveyor belt. Inis na inis daw siya. Nagtatanong dawsa sarili. ‘What the hell are in these damn boxes?’

Pero noong isinama siya ng asawang Pilipina doonsa Bisaya at nakita niya ang mga katuwaan ng mga kamag-anak sa pag-tanggap ng mga pasalubong, na-touched daw siyang mabuti.

Kaya naman nang bumalikulit sa trabaho, nangingiti na raw siya at humahanga saugali nating mga Pilipino.

“Now I know what those big heavy boxes mean,” sabay halik sa asawang stewardess, “they mean love of family.”

Totoo nga naman hindi ba?

Natapos na ring mamili si Misses, na asawa ni Jimmy, at sumali sa amin sa kapihan.

Tuwang-tuwasiya sa pag-kuwento.

“Isipin mo, 3 for one dollar itong mga de-lata na ito. Itong kape, 50% discount, itong mga sabon, ay naku, murang-mura.”

“Alam mo kumpare,” patuloy niyang kuwento, “magandang therapy sa akin ang mag-shopping. Nawawala ang stress ko.”

Sumabad naman si Kumpare, “Ako naman ang na-ha-high blood, pag dumating na ang credit card statement, nagsu-suntukan ang systolic at diastolic ko.”

Ha ha ha, tawanan naming tatlo.

Dagdag pa niyang kuwento, “Pero siyempre, hindi mawawala ang kontra-bida. May mga pamangkin ako, nang malamang uuwi kami, nagsulat sa Facebook, “Manong, gusto ko ng Levi jeans, Adidas sneakers, Made in USA brown genuine leather jacket, at sakai Phone 6.

“Iyong isa naman ang gusto daw Blue Label o kaya’y Black Label. O kung hindi man maski Patron nalang. Namputsa naman oo!” Akala nila milyonario kami sa Amerika.”

Si Kumare naman ang nag-salita. Kuwento niya, “Noong minsang umuwi kami doon, nagpunta kami sa palengke. Nakita ko iyong mga hinog na papaya. Matagal na akong hindi nakakain ng papaya kaya gusto kong bumili para matikman. Pero ang mahal na mahal naman. Kaya hindi na ako bumili. Nang sumakay akong tricycle, aba, may sumakay rin na isang mama. Pagdating sa bahay, iyong kasakay na mama ay may inabotsa akin na hinog na papaya. Regalo daw sa akin at siyaraw ay pamangkin ko at anak noong isang pinsan.

“Siyempre, nagpasalamat ako, at inabutan ko siyang isang libong piso. Nagulat siya. Sabi ba naman saakin, ‘Kulang ho ito. Nasa ospital ho ang anak ko at kailangan ang operasyon. Pamasahe lamang ho ito sabus.” Nainis ako. Ibinalik ko sa kaniya ang papaya at sagot ko, ‘O heto ang papaya mo, salamat!’”

Marami talagang kuwentuhan pag may balikbayan.

Nagpa-alaman na rin kami nila Pare at Mare at tinulungan ko silang mag-karga ng mga pinamili sa kanilang kotse.

“Have a safe trip sa inyong dalawa,” pagkatapos ng beso-beso at kamayan.

May pahabol akong payo, “Pare pag dating ninyo sa Customs doon, itanong mo sa customs agent, ‘Sir, nasaan ho si Capt. De la Cruz, customs officer. Sabiniya aabangan daw kami dito”

“Bakit, pare, kilala mo siya ba iyong Capt. De La Cruz ng Customs?” tanong niya sa akin.

Sagot konaman, “Hindi, pare, para sa akin, baka sakaling makakalusot lang.”

This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it

Add comment


Security code
Refresh

Latest comments