bert.castro.pic


“AY naku, pinsan, mamamatay ako dito sa altapresyon,” tawag sa akin sa telepono minsang nag-overseas-call ako sa Pinas.

“Bakit naman?” nagtatakang tanong ko.

“Kasi ba naman kararating ko pa lamang, ang daminang dumadaing at nang-hihiram ng pera.”

“Tulad noong isang kamag-anak natin na nang-hihiram ng 50,000 pesos at family emergency daw. Bigay naman agad ako.”

“Pagka-lipas ng dalawang lingo, bumalik nanaman at iniisip ko na magba-bayad na seguro siya.”

“Oh, di mabuti. Nagbayad ba naman?” tanong ko.

“Buwisit nga eh. Nanghi-hiram na naman ng 50,000 pesos at grabe daw ang kalalagayan ng misses niya. Atake de corazon daw.”

“Tapos pumunta ako sa bahay nila para bumisita. Nakita ko si misses at ang sabi ba naman sa akin, ‘Ano na namang kalokohan itong ginawa ng pinsan mongasawa ko. Walang-hiya siya talaga. Natalo na namanseguro sa sabungan.’”

Isang OFW worker naman ang nagsu-sumbong saakin.

Umuwi daw siya sa Pinas pagka-tapos ng ilangtaon sa Saudi.

Marami daw sumalubong sa Manila airport.

Yakapan.

Kamayan.

High-five-an.

Pagdating sa baryo, kainan at kuwentuhan.

Siyempre gusto rin niyang mag-pahinga munadahil sa mahabang biyahe.

Sabi raw noong isang kamag-anak.

“Matutulog kana ba? Buksan mo muna ang mga kahon na dala mo?”

Siyempre, nagulat daw siya.

Pati ba namanpagbukas ng mga kahon ay gustong paki-alaman.

Inisna inis daw siya, pero binuksan na rin niya para maipamigay ang mga pasalubong.

Katuwaan na rindaw niya ang makapag-abot kahit kunting ala-ala.

Sa mga bata may pasalubong siyang mga candies at chocolates.

Sa iba, may bigay siyang mga T-shirts at souvenir items.

Malungkot daw iyong isang kamag-anak.

Sabi banaman: “Ang tagal-tagal mo sa abroad, ito lang ang pasalubong mo?”

Kasi ang ibinigay daw niya ay mgailang de-lata, kape, sabon at damit.

Sabi noong isang pamangkin: “Kuya, sa akin na iyong iPhone mo ha?”

Sabad din noong isa: “Kuya, pagbalik mo sa abroad, iwan mo sa akin iyong sapatos mo, at saka iyong sunglass at Levi jeans.”

“Naubusan na yata ako,” daing noong isa namanna naiinggit.

“Sa akin na lang iyong underwear mo at saka toothbrush ha?”

“Ang lulupit naman nila, hindi ba?”

Sagot ko, “Hindi bale, mas mabuti iyong nagbibigay kaysa sabinibigyan.”

May dumating na isang lola.

Akay-akay siya noong isang apo.

“Kumusta ka na pamangkin,” bati noong lola sa isang OFW na bagong dating.

“Mabuti po naman ako, lola. Kayo po, ‘mustadin?”

“Eto, hijo, matanda na at bulag na ako at hindi makakita.”

Kinapa-kapa pa ang mukha noong pamangkin.

Huminto ang mga daliri sa mapungakniyang ilong.

Patuloy niya, “O, mukhang guwapo ka pa rin, ha ha ha?”

Tawa siya.

“Kawawa naman pala kayo lola, o, heto, pag-pasensiyahan niyo itong maliit na pasalubong ko sainyo. Sabay abot ng pera sa matanda.

“Lola, fifty dollars po ito, para pang-gastos ninyo.”

“Salamat, anak,” sabi ng lola at pakabig na inilapitsa mukha.

Tinitigan iyong perang papel.

Tapos sagot sa apo, “Ineng, hindi ito $50. Five dollars lang ito. Mali ang dukot mo.”

Nagkamot ng ulo si OFW laborer.

“Akala komalabo ang mata ninyo bakit ninyo nakita and dipirensiya?”

“Anak, pag pera ang usapan, malinaw ang matako.”

Siyenga naman.

Bumalik ulit tayo doon sa usapan naming ni Insan.

“Alam mo, malaking tulong dito sa mga kababayan natin ang mga oportunidad sa trabaho naibinigay ng mga ibang bansa, tulad ng Korea, Japan, Hong Kong at gayun din ang mga European, Arabian at Australian countries.

“Sabihin pa ang number 1 export ng ating bansa ay ang mga talino, skills at abilidad ng ating mga kababayan. Paborito ng mundo ang mga nannies, domestic helpers, mga seamen, mga engineers, dahil sa ating kaalaman ng wikang English, at sabihin pa, ng ating likas na kasipagan.

“Dito sa ating baryo,” patuloy niya, “wala ng bahay-pawid. Lahat konkreto na, mga malalaking bahay. Iyong dati’y nag-tra-tricycle lang, aba ngayonay naka 4-wheel drive na. Karamihan kumpleto ng TV, microwave, wi-fi at mga electronics.

“Wala yatang bansa sa mundo na hindi napuntahanng mga Pinoy para humanap ng ikabu-buhay. Hindi lang sa Amerika nagtata-gumpay ang mga Pinoy.

“Ang nakakahiya lang ay iyong mga walang-hiya sa gobyerno natin na nanla-lag-lag bala, at nagnanakawng mga pinag-hirapang pasalubong. Sana’y sila anguna-unang tumutulong sa ating mga OFW workers dahil sila din ay nagdadala ng yaman sa ating bayan.

“Kaya Insan, batiin natin ang ating mga sarili. Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang OFW! Mabuhay tayong lahat!”

This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it