once.in.a.while


MARAMING mga kababalaghang nangyayari dawngayon sa Ninoy Aquino International Airport sa Pilipinas.

Iyan ang bagong paksa ng usapan namin saisang birthday party noong isang lingo.

Birthday ni Pareng Kulas kaya siyempre may kaunting pulutan, tagayan at maraming halakhakan.

Alam mo na ang mga Pinoy, dalawang bagay ang hindimawawala sa umpukan: kantahan at tawanan.

“Mga pare ko,” bungad ni Pareng Isko, “uso raw ngayon ang bala-han doon sa atin.”

“Ano ‘yon?” tanong ko.

Sagot naman ni Pareng Isko ulit, “Iyon bang tataniman ng bala ang iyong bagahe tapos kakasohanka daw doon sa airport para maka-kikil ng suhol o lagay.”

“That’s b***sht,” pahiyaw na sigaw ni Pareng Caloy.

“Dapat sa mga iyan tadtarin ng bala sa firing squad para huwag pamarisan,” patuloy niya habangsige naman ang nguya ng kalderetang kambing.

“Nakakahiya talaga itong mga nangyayari sa atin,” sabad naman ni Kumareng Cindy.

“Hindi na mataposang mga katiwalian sa gobyerno. Malaking balita ito sabuong mundo.”

“Nabasa ko nga sa balita,” patuloy niya, “May isaraw Pinay na papunta sa Singapore para ipagamot angkaniyang ama. Na-cleared na raw ang baggage nila doon sa may X-ray machine, pero pagdating daw doonsa sumunod na lugal, tinawag daw ang pansin niyanoong isang babai na naka-uniform at kinawayan dawsiyang lumapit.”

Lahat kami’y matiyagang nakikinig sa bawat salitaniya, pati tuloy ang bunganga ko ay nag-alternate parking sa pagnguya ng umuusok pang pansit.

Patuloy na kuwento ni Kumare.

“You have a problem, sabi daw doon sa pasaherong babai. But we can fix this. Galit daw ‘yong babai at ayaw pumayagna maglagay. Nang ayaw talagang pumayag noongpasahero nakipag-areglo na lang sila na basta’t pumirma siya na dala niya ang bala para lang matuloyang biyahi. Nang bumalik daw siya mula sa Singapore ay saka siya nag-salita daw sa mga alagad ng batas at sa mga media.”

“Naku Diyos ko!” himutok ulit ni Mareng Cindy.

“Nakakatakot umuwi. Patay na ang tourism’s slogan: It’s more fun in the ‘Pinas.”

Tiyempo naming napadaan si Pareng Islaw ng aming dakilang dabarkads.

“Alam ba ninyo kung anoang mas nakakahiya?” sabay kumpas sa hangin ng kaniyang kanang kamay habang ang kaliwang kamaynaman ay nakayakap ng mahigpit sa bote ng Budweiser.

“May babala ang United Nations sa mga staff members,” patuloy niya.

Pero bago niya madugtunganang sasabihin ay pinutol siya ng isang tanong noong bagong dati na bisita.

“Mga pare, excuse me, ano ang ibig sabihin ng babala? Hindi ko alam kasi taga bundokako sa atin.”

Ako na ang sumagot.

“Pare, babala means warning sa English.”

“O sige, Pareng Islaw,’ kalabit kosa kaniya, “pakituloy mo ‘yong balita mo.”

“Ayon sa balita,” ulit niya, “the United Nations has warned its staff members about reported schemes that allegedly involve Terminal security personnel who plant bullets on passengers’ bags and then extort money.”

Ito ang gusto ko kay Pareng Islaw.

Tanunginmo sa Tagalog, sasagutin ka sa English.

“Not only that,” sabi niya sabay pahid doon sadinuguan na medyo sumabit sa labi niya, “a CNN staffer in the Philippines has released some advisories translated into Chinese for the benefit of Chinese travelers.”

Iyong birthday celebrant, si Pareng Kulas, ay hindialintana ang mga usapan.

Panay ang kamot sa ulo dahil madaling maubos ang mga beer.

Pumunta siya sa basement at nang bumalik ay bitbit ang dalawang boteng alak, isang Black Label at isang Patron.

Sapagkakakita ng mga bagong alak ay lalong nagging excited ang mga tomadores.

“Pare,” singit ko, “paki-share nga iyong mga advisories ng CNN.”

“There are five ways to avoid being a victim of Tanim-Bala scheme.
Use hard-case luggage, avoid bags that have external pockets. Wrap the entire bag in cling wrap. Let the officials go through your bag — but only in the presence of witnesses. You have the right to remain silent. Know your legal rights.”

Hindi ko ma-digest ang mga sinabi niya.

Medyo sophisticated para sa aking maliit na utak.

Nakisali na rin sa usapansi Pareng Dong dahil halatang tumatalab na ang epecto ng alak.

“Sentidokumon naman, mga Mare at Pare ko,” sermon niya, “isipan na lang sinong tanga ang magdadala ng bala sabag o sa luggage. Tiyak na tiyak naming pag daan ng x-ray ay makikita at makikita. Gago ba naman tayo?”

Tanguan kaming lahat.

“Siyenga naman.”

“Alam ninyo,” agaw ko sa usapan, “may nabasaako na noong 2012 pa daw ay may nangyari ng ganyan. May nakita raw na dalawang bala sa isang luggage. Noong kausapin ang pasahero napag-alamannilang ito pala ay isamg Pari. Pulang-pula daw sa hiya ang mga walang-hiya at nangumpisal ng di oras. Sabidaw, “We are sorry Father, mano po.”

Patuloy ko, “kaya ang mabuti, magdamit tayo bilang priest o nun.”

Tawanan sila.

“Papaano naman ako?” sigaw noong misses ko.

“At saka ang isa pa,” dugtong ko, “hilingin natinsa Pang-ulong Aquino na lahat ng customs inspectors o handlers, ay balutin ng Saran Wrap o cling wrap ang kanilang mga kamay para hindi makapag-tanim bala o laglag bala.”

Umiling iyong katabi ko.

“Hindi pu-puwede yan, pare.”

“Bakit naman?” tanong ko.

“Eh, papaano kungisubo nila doon sa bunganga nila at ang mga dilanaman nila ang magsisiksik sa mga maleta. Ay naku, mamamatay ako sa katatawa!”

This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it

Add comment


Security code
Refresh

Latest comments