once.in.a.while


WALANG hinto ang tagayan ng Chivas Regal ng mga lalaki habang tuloy ang kuwentuhan doon sa backyard ng isang kaibigan.

May birthday daw at siyempre imbitado ang barkada.

“Alam mo pare,” umpisa noong isa, “noong bagong dating ako rito sa New York City, may mga kakatwa akong karanasan na pinagdaanan sapaghanap ng trabaho.”

“Nanibago ako dito. Tulad noong tanong doon sa employment application form. Eyes? Hindi ko alam kung ano ang isusulat ko sa blank. Inilagay kong sagot — Normal. Iyon pala — dapat ilagay kung ang kulay ng mata ay — Black, Brown Blue or Green. Sa Pinas ay iisalamang naman ang kulay ng mata natin, hindi ba?”

“Ganoon din ang problema ko sa tanong tungkoldoon sa — Hair. Hindi ko maisip,” patuloy niyang kuwento.

“Eh, ano naman ang inilagay mo?” tanong sa kaniya.

Ang sagot niya, “Eh di iyong totoo. Isinulat ko — Curly. Kulot naming talaga ang buhok ko. Iyon palang tamang sagot ay — either black, blonde or brunette. Wala naman tayong ganoon sa Pinas di ba?”

“Tawanan nang tawanan ba naman ang mga interviewers doon sa employment agency. Ipinagpasa-pasa pa ang aking application form. Inis na inistalaga ako sa sama ng loob.”

Iyong pangalawang bisita naman ang nag-kuwento.

“Noong araw, doon pa kami nakatira sa Chicago. Sakay ako ng bus papuntang downtown. Hindi nagtagal may sumakay ding dalawang Pilipina. Bulong noong isang babae sa kasama: ‘Doon tayo satabi noong Pilipinong nakaupo, baka maawa sa atin at ibigay sa atin ang upuan niya. Iba ang kababayan.”

“Ahem, ubong kunti noong Pilipina.”

“Kumusta nakayo kabayan, bating pansin sa akin.”

“Hindi kokinikibo at patuloy ang pagbasa ko ng diyaryo. Sabidoon sa kasamang babae, “Sus, mare, hindi namanpala Pinoy, eh, parang lahing unggoy yata.” Dagdagnoong kumare, “Oo nga, mare, sa mukhang-mukhalang, ay talaga naming unggoy na unggoy siya.”

“Mga ilang sandali pa, may sumakay ding kakilalako na kasamahan ko rin sa trabaho.”

“Hoy, pare, nandito ka pala! Kumusta ka na?” bati sa akingmasigla noong bagong sakay na pasahero.”

“Nagulantang ba naman iyong dalawang Pilipina ng pasahero. Nandilat ang mga mata nanaduling sa pagtingin sa dalawang mag-kaibigang Pilipino.”

“Naku po,” mahinang sigaw noong isang babae, “Pinoy pala siya, mare. Hindi pala siya unggoy.”

“Nagsalita iyong nakaupo. “Eto na ako, pare ko, ang buhay ko dito sa bus ay paunggoy-unggoy nalamang.”

“Sabihin pa, karipas nang takbo iyong dalawangbabaing Pinay sa hiya. Maputlang-maputla ang kulayng mukha. Ang buhay nga naman ano? Kung minsan Pinoy, at kung minsan din naman ay unggoy.”

Hangga’t lumalalim ang gabi sa kuwentuhan, ay sige rin naman ang tambak ng mga bote ng beer.

“Ikaw naman, pare, ang magkuwento,” anyaya noong isa sa katabi na walang kibo.

Payag naman siya.

“Alam ninyo, mabilis akong mag-type, seguro 120 words per minute,” pagyayabang niya.

“Hindi ako naniniwala diyan, bola mo lang yan,” kontra noong katabi.
Pero tuloy din ang kuwento niya.

“Doon sa interview sa akin sa employment agency, tinanong ako noong interviewer kung marunong daw akong mag-type, at siyempre sinagot ko nga. Pinaupo niya ako sa isang typewriter, binigyan ako ng standard test sa typing. Tapos iniwanan ako at babalikan daw ako pagkatapos ng kalahating oras.”

“Anong nangyari?” tanong noong grupo.

“Wala, kasi umalis ako agad.”

“Bakit naman?” tanong ulit noong grupo.

“Kasi electric typewriter pala. Hindi ko alam umpisahan. Pag may pinindot ako, lumulundag ba naman. Nahiloseguro iyong Amerkano sa kahahanap sa akin.”

“Ako naman ang mag-kuwento,” singit noong isa.

“Sa ngayon, halos lahat ng association ay miyembro ako. Hindi lang iyon. Nagtatayo pa rin ako ng mga bagong kontra-partido na organization para may balance ika nga.”

“Halimbawa, doon sa Staten Island, mayroong S.I.P.A.G., kaya magtatayo naman ako ng T.A.M.A.D; sa Teaneck, mayroong F.A.S.T., kaya S.L.O.W. naman; sa Long Island, mayroon ng T.A.N.G.L.A.W., kaya D.I.L.I.M. naman ang iniisip ko.

“Dito sa New York, mayroon na tayong FRIENDS, INDEED, ang iniisip ko namang counterpart ay FRIENDS ENDED.”

Sumabad iyong isa na medyo lasing na sa beer.

“Pare, wala ka na yatang magawang matino at kung anu-ano ang naiisip mong gawin.”

Nagpantig ang tainga noong isa at hinarap iyong lasing.

“Pare, ginagawa ko ito para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino. Kung sasali ka sa maraming organization, naturalmente na matutuwa ka.”

“At sa papannong paraan, aber?” hamon noong kausap.

“Isipin mo na lamang, pare, pag namatay ka, eh, di maraming makikipag-libing sa iyo.”

Miyentras maraming organization, marami ding maikikipag-libing, di ba?”

“Pagalit nang sumigaw iyong isa, “Pare, huwag mong pakialaman ang libing ko, pag hindi ka tumigil, baka ikaw ang ililibing namin bukas.”

Kung minsantalaga, hindi maganda ang katapusan, pag may inuman ng alak.

This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it

Add comment


Security code
Refresh

Latest comments